Advertisers

Advertisers

Produktong may ‘Manila, province of China’ i-report – Isko

0 258

Advertisers

NAKIUSAP si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa publiko na agad ipagbigay-alam sa kanilang tanggapan kung sakaling makakita ng anumang produkto na may tatak na “Manila, Province of China”.
Batay ito sa pahayag ni Domagoso na agad nitong ipasasara ang mga negosyo o establisimyento ng mga nagtitinda ng nasabing produkto lalo na kung nag-o-operate ang mga ito sa lungsod ng Maynila.
Nag-ugat ang naturang pahayag ni Domagoso, makaraang magsagawa ng sorpresang inspeksyon ang Bureau of Permits sa pangunguna ni Dir. Levi Facundo sa Binondo, Manila sa mga establisimyento na nagbebenta ng beauty products na may mga tatak na “Manila, Province of China” na nagresulta sa pagkakasara ng mga stall at warehouse ng mga ito.
Agad din lumiham si Domagoso sa National Bureau of Investigation (NBI) upang magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa nasabing insidente gayundin sa pamunuan ng Bureau of Immigration upang hilingin na ipa-deport ang dalawang Chinese national na nagmamay-ari umano ng mga ipinasarang establisimyento sa Binondo.(Jocelyn Domenden)