Advertisers

Advertisers

Mag-live in, huli sa droga

0 661

Advertisers

ARESTADO ang 35-anyos na lalaki at 50-anyos na kasama nitong babae sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad nitong Sabado kanina sa Brgy. Tablac, Candon City, Ilocos Sur.
Kinilala ang mga naaresto na sina Maurice Dusbert Maledda y Patiilan, tubong-Brgy. Poblacion, Banayoyo at naninirahan sa Brgy. Langlangca 2nd ng naturang lungsod; at Imaculada Audrey Gacusan y Inigo, biyuda, residente rin ng naturang barangay.
Sa report, sinasabing makarelasyon sina Maledda at Gacusan, na nakatira sa iisang bahay sa naturang lugar.
Ayon sa ulat, 1:00 ng hapon nang maaresto ang dalawa sa tabi ng national highway.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang small heat sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu (buy bust item).
Kasong paglabag sa RA 9165 ang kahaharapin ng dalawang suspek na nasa kustodya ngayon ng Candon City Police Station. (Ace Ramales)