Advertisers

Advertisers

Bungo at kalansay ng tao nahukay sa harap ng Malate Church

0 320

Advertisers

NATAGPUAN ang dalawang bungo at hiwa-hiwalay na mga buto ng tao sa paghuhukay sa tapat ng Malate Church, sa M.H. Del Pilar St., Malate, Maynila, Huwebes ng hapon.
Sa ulat, 1:30 ng hapon nang matuklasan ang mga human bones at dalawang bungo sa hinuhukay ng Arms Phil. Construction company, subcontractor ng Metro Manila Development Auhtority (MMDA) para sa itatayong poste ng traffic light.
Ayon kina Seigfred Ryan Calang, 38 at Romy Miguel Jr., 25, kapwa construction worker, na lumitaw ang mga bungo at ang mga bahagi ng katawan na mga buto habang binubungkal nila ang kalsada sa tapat ng Malate Church.
Sa report, napag-alaman na dating libingan ang naturang lugar noong panahon ng Kastila. (Andi Garcia)