Advertisers
Naaksidente ang isang tricycle driver sa Boracay at nangangambang maputulan ng isang daliri matapos maaksidente sa daan.
Ayon sa di pinangalanan biktima, nagiging malabo ang kaniyang paningin sa tuwing magsusuot siya ng face shield habang nagmamaneho.
Sa report, inakala ng biktima na malayo ang kaniyang distansiya sa kasunod na sasakyan. Huli na daw niyang napa
nsin na malapit na pala eto dahilan sa bigla niyang pagpreno.
Dahil dito, naipit ang kaniyang daliri sa paa sa preno kaya’t humingi agad siya ng saklolong medikal.
Kaagad na rumesponde ang Boracay Fire Rescue and Volunteers, Inc. at dinala siya sa malapit na pagamutan. (PTF team)