Advertisers
PORMAL na binuksan ni Manila Mayor Isko Moreno kahapon ang mga stalls sa Ilaya kung saan ligtas ang mga paninda ng mga maliliit na negosyante.
Ayon kay Moreno, prayoridad niya na ibigay ang pwestong ito sa mga dating vendor na nag- ookupa sa Ilaya.
Ang mga bagong vending stalls ay may sariling linya ng kuryente at may numero upang agad na matagpuan ng mga kostumer.
May itinakda lamang na maliit na presyo o buwis para sa mga ito at siguradong abot kaya naman ng mga maliliit na negosyante.
“Etneb sa umaga, etneb sa hapon, takwarens buong araw. May sariling kontador, wala nang “eddie at patty.”
“Ito ay upang mas maging maaliwalas, mas maayos at ligtas para sa bawat isa. Hangad namin ang isaayos ang Lungsod,” ayon pa kay Moreno. (Andi Garcia)