Advertisers
Muling nagpaalala si Senator Christopher “Bong” Go sa publiko na huwag magpakakampante laban sa coronavirus disease (COVID-19) at pinayuhan ang bawat isa na manatiling nakabantay sa kabila ng magandang balita na malapit nang magkaroon ng bakuna laban dito.
Ayon sa senador, ang kasabihang “prevention is still better than cure” ay tama ngunit nagsisimula ang krusyal na pakikipaglaban sa virus sa loob ng mga tahanan at sa mga komunidad.
“Sa kabila po ng mga balita na magkakaroon ng bakuna laban sa COVID-19, huwag po sana tayong maging kampante. Huwag po tayo magkumpyansa. Let us remain vigilant since the fight is far from over. Let me remind everyone that your compliance with minimum health standards can save lives,” ani Go na binigyang-diin na dapat maging responsable ang bawat isa sa pagtulong sa komunidad na malagpasan ang kasalukuyang krisis.
“Ang laban po natin sa COVID-19 ay nag-uumpisa sa ating mga tahanan at komunidad. Ang pagsunod natin sa patakaran, pag-alaga sa ating kalusugan, pagsuot ng face mask at pag-obserba ng social distancing ay mga simpleng paraan upang makatulong sa bayan na malampasan ang krisis na ito,” anang senador.
Sa isan press conference, sinabi ni World Health Organization Western Pacific regional director Dr. Takeshi Kasai, bagama’t lumalaki ang pag-asa sa mabilis na development ng COVID-19 vaccine, dapat ay manatili pa ring maingat ang lahat.
“Even they can really manage, develop safe and effective vaccine, the production capacity would not really meet the demand coming from the entire world,” ani Kasai.
At sa kabila na nangako ang Russia na unang bibigyan ng supply ng COVID-19 vaccine ang Pilipinas sakaling maging available na ito sa merkado, nagpaalala pa rin si Pangulog Rodrigo Duterte sa lahat ng Filipino na manatiling sundin ang mga health protocol, gaya ng physical distancing, pagsusuot ng face mask at palagiang paghuhugas ng kamay.
“The important part of our fight against COVID-19 starts in us, in our homes, and in our communities. Through our cooperation, malasakit sa kapwa, and bayanihan, we can contribute to the global fight against COVID-19,” ayon naman kay Go. (PFT Team)