Advertisers

Advertisers

DoJ nagpaliwanag sa simbahan sa ‘10 pax rekomendasyon sa mga misa’

0 199

Advertisers

NAGPALIWANAG si Department of Justice (DoJ) Sec. Menardo Guevarra sa mga obispo ng Metro Manila na humihiling na payagan na ang 10 percent capacity ng mga simbahan para sa kanilang isasagawang misa matapos ibalik sa general community quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR).
Ayon kay Sec. Guevarra, naiintindihan niya ang sintimiyento ng mga obispo pero sumusunod din daw sila sa rekomendasyon ng Inter Agency Task Force (IATF) na magkakaroon ngayon ng mas mahigpit na GCQ.
Sa ilalim kasi ng GCQ ay 10 percent maximum attendance ang papayagan sa mga gatherings gaya ng simbahan.
Pero sa rekomendasyon daw ng Metro Manila mayors, 10 katao lamang ang inirekomenda nila sa mga mass gatherings kabilang na ang pagsasagawa ng misa ng simbahan.
Nilinaw naman ni Guevarra na sa labas ng NCR ay susundin ang 10 percent rule sa mga lugar na nasa GCQ.
Kasunod nito, hiniling ng kalihim ang pang-unawa ng mga obispo dahil ang ginagawa ng IATF ay para na rin sa public health consideration.
Ang pahayag ni Guevarra ay bilang tugon sa hirit ni Pasig City Bishop Mylo Vergara.
Sinabi ng obispo na dahil nasa ilalim na ulit ng GCQ ang NCR, dapat daw ay maibalik ulit sa 10 percent ang maximum attendance ng mga dadalo sa misa. (Josephine Patricio)