Advertisers
KINUMPIRMA ng pamunuan ng pambansang kapulisan na pagsusuotin ng mga bagong biling body-worn camera ang mga ide-deploy na pulis sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes, Hulyo 26.
Ayon kay Philippine National Police chief (PNP), Gen. Guillermo Eleazar, makakatulong sa 11,800 pulis na magbabantay sa SONA ang body cam sa pag-record sa sitwasyong pang-seguridad sa kani-kanilang puwesto.
Ayon naman kay NCRPO chief, Maj. Gen. Vicente Danao Jr., ang mga body cam ay gagamitin para i-monitor ang sitwasyon sa mga mahalagang lugar at agad na matukoy kung saan ang mas nangangailangan ng police visibility.
Nabatid na tutulong din ang 3,300 tauhan ng Armed Forces of the Philippines, Bureau of Jail Management and Penology, Metropolitan Manila Development Authority at iba pa sa pagtatanod sa SONA. (Josephine Patricio)