Advertisers

Advertisers

Pari na fully vaccinated nasawi parin sa COVID-19: San Roque Cathedral sa Caloocan ini-lockdown

0 301

Advertisers

NASA ilalim ngayon ng temporary lockdown ang San Roque Cathedral sa Caloocan City kasunod ng biglaang pagkamatay ng isang guest priest nito, na fully-vaccinated na, ngunit malaunan ay natuklasang positibo sa COVID-19.

Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president-elect and Diocese of Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, ang lockdown, na ipinag-utos ng Caloocan City government, ay nagsimula na nitong Linggo, Hulyo 25, na dapat sana ay selebrasyon ng World Day for Grandparents and the Elderly People.

Bunsod ito ng biglaang pagkamatay ng kanilang guest priest na si Fr. Manuel Jadraque, Jr. o Fr. Mawe, ng Mission Society of the Philippines nitong Sabado ng umaga.



Sa isang Facebook post, ikinuwento rin ni David na si Fr. Mawe ay biglaang binawian ng buhay nitong Sabado ng umaga lamang.

Sumakay ang pari ng tricycle sa Monumento upang makarating sa cathedral ngunit pagdating nito ay ‘unresponsive’ na at napakaputla.

Hindi na umano nagawa pang maiabot ng pari sa tricycle driver ang hawak niyang P50 na pamasahe.

Kaagad namang isinugod sa Caloocan City Medical Center ang pari ngunit idineklara na itong dead on arrival ng mga doktor.

Ayon kay David, dahil sa kaso ng Covid-related heart attacks nina Fr. Salty De la Rama SJ at Fr. Ike Ymson ay hiniling niyang maisailalim sa post mortem swab testing ang pari at dito natukoy na positibo nga ito sa COVID-19.



Sinabi ng obispo na sa edad na 58, si Fr. Mawe, ay napakalusog.

Gayunman, ang nakakabahala aniya ay fully vaccinated na rin ang pari laban sa COVID-19.

Pabalik na umano ang pari sa Auckland, New Zealand noong Mayo 2021 ngunit hindi ito nakabalik bunsod ng travel ban dahil sa pandemya.

Kaugnay nito, hiniling naman ni David sa city government na kumuha ng specimen sample mula kay Fr. Mawe at isailalim ito sa genome testing upang matukoy kung anong klaseng variant ng COVID-19 ang dumapo sa kanya. (Andi Garcia)