Advertisers

Advertisers

Liham ni Isko sa BI sa pagpapatapon sa 2 tsekwa sa labas ng bansa, agad aaksiyunan

0 191

Advertisers

Bagamat hindi pa natatanggap ng Bureau of Immigration (BI) ang liham ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, nakahanda naman ang ahensya na aksyunan ang ang reklamo hinggil sa mga Chinese na nagmamay-ari ng isang negosyo sa Binondo na may ilang produkto kung saan nakalagay ang “Manila, Province of China.”
Ayon kay Melvin Mabulac, ang acting spokesperson ng BI, hindi pa natatanggap ng Immigration Bureau ang liham ni Moreno kay Commissioner Jaime Morente.
Hiniling ng alkalde kay Morente na masimulan na ang deportation proceeding laban kina Shi Zhong Xing at Shi Li Li, ang dalawang Chinese national na sinasabing may-ari ng Elegant Fumes Beauty Products Incorporated.
Ani Moreno, handa ang lokal na pamahalaan ng Maynila na magsumite sa BI ng mga kinakailang dokumento na maaaring magamit sa deportation proceedings.
Ayon kay Mabulac, may mandato ang Immigration Bureau na magsagawa ng imbestigasyon at alamin ang anumang paglabag ng sinumang foreign national o banyaga sa umiiral na Immigration Law sa ating bansa.
Sa oras naman makuha na ang liham ni Yorme, sinabi ni Mabulac na agad na gagawa ng aksyon ang BI.
At kung may makitang paglabag ang dalawang Chinese national na may-ari ng Elegant Fumes, maghahain ng deportation charges ang BI. (Jocelyn Domenden)