Advertisers
MAS mahabang curfew hours na ang ipatutupad sa National Capital Region (NCR) dahil sa muling pagtaas ng covid cases bunsod ng mas nakakahawang Delta variant.
Base sa napagkasunduan ng mga Metro Mayors, simula ngayong Linggo, July 25, magsisimula ang curfew mula 10 ng gabi hanggang 4 ng umaga, mula sa dating 12am- 4am.
Paliwanag ni MMDA Chairman Benhur Abalos, dahil sa banta ng Covid Delta variant, kailangan muling limitahan ang paglabas ng mga tao upang mapabagal ang pagkalat ng infection.
“Since the Delta variant spreads exponentially, we should not let our guards down and implement necessary restrictions to contain the virus,” ani Abalos.
Kamakailan ay umapela rin ang Metro Mayors sa pamahalaan na bawiin ang resolusyon na pinapayagang lumabas ang mga batang 5 anyos pataas, na inaprubahan din naman ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).
Ang buong Metro Manila ay isinailalim sa General Community Quarantine with Heightened restrictions simula July 24 hanggang 31. (Jonah Mallari/Josephine Patricio)