Advertisers

Advertisers

PhilHealth Legal Department kinuwestyon sa ‘di pag-aksyon sa mga reklamo ng fraud

0 201

Advertisers

Ginisa ni SAGIP Partylist Rep. Rodante Marcoleta si PhilHealth SVP for Legal Rodolfo Del Rosario sa kawalan umano nito ng aksyon sa mga reklamo ng fraud sa ahensya.
Unang tinukoy ni Marcoleta ang nasa 220 complaints na inilapit kay Del Rosario noong siya ay nagsilbi bilang OIC VP ng Philhealth Region 1.
Aniya ni isa sa mga reklamo na iyon ay hindi inaksyunan ni Del Rosario hanggang sa siya ay mailipat bilang SVP for Legal ng ahensya.
Bukod dito, kinuwestyon din ni Marcoleta ang memorandum circular 2019-14 na ibinaba ni Del Rosario kung saan inaatasan ang bawat regional office na mag hain ng minimum na isang complaint kada quarter.
Tinanong din ng mambabatas kung ano ang kapangyarihan ni Del Rosario na mag desisyon at irekomenda na isang complaint o kaso kada quarter lamang ang dapat ihain ng mga regional offices.
Dagdag nito na kung talaganag kapakanan ng pondo ng Philhealth ang piniprotektahan ni Del Rosario ay dapat maximum na bilang ng kaso at reklamo ang target nito. (Henry Padilla)