Advertisers

Advertisers

P13b droga sinunog sa Cavite

0 268

Advertisers

SINUNOG ng mga awtoridad ang nasa 2 toneladang samu’t saring ilegal na droga na aabot sa mahigit P13 bilyon ang halaga sa Cavite.
Sa report, galing ang mga droga sa iba’t ibang anti-drug operations na ikinasa ng mga awtoridad.
Isinagawa ang pagsunog ng mga droga sa incinerator sa Trece Martirez, Cavite matapos magbigay ng kautusan ang Korte Suprema.
Ito ay para maiwasan ang isyu ng pagre-recycle ng mga pulis ng nakukumpiska nilang ilegal na droga.
Mismong sina Philippine Drug Enforcement Agency Director General Wilkins Villanueva, Court Administrator Midas Marquez ng Supreme Court, at PNP Chief PGEN Archie Francisco Gamboa, ang nanguna sa pagsira sa mga droga.
Kabilang dito ang bulto-bultong shabu, marijuana, cocaine, ecstasy, at iba pang bawal na gamot na nasamsam sa iba’t ibang operasyon ng PNP at PDEA.
Sinabi ni PDEA Dir. Villanueva na ito na ang pinakamalaking bulto ng illegal drugs na nawasak sa ilalim ng Administrasyong Duterte.(Irene Gascon)