Advertisers

Advertisers

Kitchen type shabu lab., sinalakay sa Subic

0 243

Advertisers

SINALAKAY ng pinagsanib na pwersa ng PDEA at PNP sa bisa ng search warrant ang isang bodega na ginamit bilang laboratoryo o kitchen type na pagawaan ng hinihinalang shabu sa bayan ng Subic.
Sa report ni PNP Provincial Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones at PDEA-3 Dir. Christian Frivaldo, kinilala ang nadakip na suspek na caretaker ng warehouse na si Joven Salvador, alyas Venjo, 36, ng Barangay Cawag.
Sa report, natukoy ang illegal na operasyon sa pamamagitan ng mga residenteng malapit sa lugar, na umano’y may masangsang na amoy na nagmumula sa nabangit na bodega.
Humingi ng tulong ang mga nasabing residente sa Local Government Unit (LGU) na agad namang inaksyunan ni Mayor Jon Khonghun para magpalabas ng search warrant.
Nakuha sa naturang bodage ang iba’t ibang uri ng kemikal at kagamitan sa paggawa ng illegal na droga. (Thony D Arcenal)