Advertisers

Advertisers

Baby lasog nang hulog mula sa 2nd flr. ng bahay

0 231

Advertisers

LASOG ang walong-buwang sanggol na ihinulog umano mula sa pangalawang palapag ng bahay sa Bagong Silangan, Quezon City.
Sa report, bumagsak umano sa isang bakanteng lote ang sanggol, at narinig pa umanong umiiyak ng isang security guard bago natagpuang wala ng buhay ang baby.
Ayon sa ulat, dinala ng mga pulis sa Quezon City Police District Station 6 ang mag-live-in partner na pinaghihinalaang may kagagawan sa krimen.
Samantala, isinugod naman sa ospital ang babae nang bigla itong duguin habang nasa istasyon ng pulis.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa naturang krimen. (Boy Celario)