Advertisers
Mamayang alas dies ng umaga ay bisita sina PBA Commissioner Willie Marcial at sportscaster Charlie Cuna sa Boomers’ Banquet sa FB Live, Spotify at You Tube. Siyempre ang paksa ng programa ng mga DJ na sina Bob Novales at George Boone ay basketball noong araw. Salingkit nga pala tayo dito. Tiyak naman na magbabahagi rin ng latest tungkol sa kauna-unahang propesyunal na liga sa Asya si Kume Marcial.
Sa Lunes naman sa OKS@DWBL ay espesyal na panauhin natin ang sikat na mga manlalaro ng USTe. Simula sa ika-4 ng hapon ay makakakwentuhan natin sina Pido Jarencio, Bennet Palad at Ed Cordero, mga star-dribbler ng unibersidad sa Espana Blvd noong 80s.
Inaasahan din na magbibigay ng update si Coach Pido hinggil sa Batang Pier at PBA. Magbabahagi naman ng mga istorya nila ang mga mentor na rin ngayong sina Coach Bennet at Coach Ed.
Masusubaybayan din ang OKS ng inyong lingkod sa Facebook at You Tube
Tutok na!
***
Kagimbal-gimbal na napatumba ang mga top team sa unang game ng first round ng NBA Playoff. Mangyari pinadapa ng Magic ang Bucks. Gayon din na dinaig ng Blazers ang Lakers.
Biruin mo na napataob ang numero uno sa West at East ng mga No.8 na koponan. Pambihirang pangyayari sa loob lang ng isang araw. Pwedeng over-confidence at nawala rin kasi ang homecourt advantage.
Mabuti nakabawi kahapon ang Milwaukee at Los Angeles kung hindi ay mahirap mabaon sa 0-2 na deficit. Nakaganti sila nang
tambakan ang kani-kanilang mga katunggali. Hindi pumayag ang mga star players ng bawa’t koponan na muli silang matalo kaya sina Anthony Davis at Giannis Antetokounmpo ang bumida sa mga panalo.
Eka ni Ka Berong paano kung Portland magkampeon ganoong sila ang ayaw ng Disney bubble at sila pa ang huling nakapasok
sa Top 8 sa Western Conference. Kinailangan pa nga nila ng play-in kontra sa Memphis para maging bahagi ng post regular
season.
***
Ano ba nangyayari sa UAAP? Bakit naglilipatan ang mga manlalaro? Sari-saring kadahilanan. May problema sa coach o sa mga namamahala sa pamantasan?
Dati mga taga-haiskul lang paakyat sa kolehiyo o kaya galing NCAA pupunta sa UAAP ay vice-versa. Ngayon nasa senior team na nag-ooberdabakod pa sa parehong liga.
Kailan lang mga nag-commit na mga junior stars ng NU sa kanilang college team ay umalis pa. Tapos itong ulat na lilisanin ni
CJ Cansino ang USTe at malamang sa mga karibal na eskwelahan mapapadpad. Ano ba yan?