Advertisers

Advertisers

Duterte may public address sa Aug. 24 – Palasyo

0 259

Advertisers

MAGSASAGAWA uli ng public address si Pangulong Rodrigo Duterte sa araw ng Lunes, Agosto 24.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nasa Davao City lamang ngayon si Pangulong Duterte.
Pero bagama’t nasa Davao, hindi bakasyon kundi trabaho pa rin ang ginagawa ni Pangulong Duterte.
Tambak umano ang mga dokumento na kailangan pag-aralan at pirmahan ni Pangulong Duterte at may mga pribadong pagpupulong din.
Matatandaang Agosto 3 umuwi ng Davao si Pangulong Duterte at hindi pa bumabalik sa Malacañang.
Nitong Miyerkules ng gabi, nag-post si Davao City Rep. Pulong Duterte sa kanyang Twitter ng kanilang larawan nina Pangulong Duterte at kapatid nitong si Davao City vice mayor Baste Duterte na nagsasalu-salo at nagkukuwentuhan. (Vanz Fernandez)