Advertisers

Advertisers

Covid-19 update: 727 gumaling; 44 nasawi; 4,339 bagong kaso

0 249

Advertisers

Muling nakapagtala ng mataas na bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 ang Department of Health nitong Huwebes, August 20.
Sa case bulletin number 159 ng DOH, pumalo sa 4,339 ang kumpirmadong kaso na nadagdag dahilan upang umabot na sa kabuuang 178,022 ang kaso sa bansa.
Ang mga resulta ng mga kaso ay mga isinumite ng 100 mula sa 109 na mga operational laboratories sa Pilipinas.
Sa karagdagang bilang ng kumpirmadong kaso, 3,213 ang naitala mula August 7 hanggang 20 kung saan ang top regions na may mga bagong kaso ay ang NCR na may 1,737; Region 4A, 462; at repatriates na may 442.
Nakapagtala rin ng 727 recoveries kung saan umabot na sa 114,114 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa nakamamatay na sakit.
Habang sa deaths ay may karagdagang 88 kung saan ang 44 ay pumanaw ngayong August, 27 noong July, 19 noong June at 2 noong May.
Mula sa Region 7 ang 42 deaths, sa NCR naman ang 34; Region 9,1; Region 1, 1; at 1 naman sa CAR.
Bukod dito, nasa 91 ang duplicates na inalis sa total case counts at 43 ang recovered cases na tinanggal.
Nasa 51 kaso naman na iniulat na recovered ngunit ang 50 ay pumanaw at 1 ang aktibong kaso batay sa final validation ng DOH. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)