Advertisers
Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na dapat parin magsuot na face mask ang isang solo driver kung nagmamaneho siya na nakababa ang bintana ng sasakyan.
Paglilinaw ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, papayagan na walang suot na face mask ang isang driver kung mag- isa lang siya sa loob ng sasakyan subalit kailangan na magsuot ng face mask kapag may sakay na pasahero.
Gayunman, kung open vehicle naman ang minamaneho, dapat pa rin nakasuot ng face mask kahit mag-isa lang ang driver sa sasakyan.
Samantala, sa panukalang uniform ordinance ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, ay may parusang pagkakulong at multa mula P1,000 hanggang P5,000 sa sinumang mahuhuli na walang suot na face masks. (Jonah Mallari)