Advertisers

Advertisers

Biyahe ng buses malabo pa magbalik-normal

0 238

Advertisers

Aminado ang Land Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na malabo pang magbalik-normal ang mga biyahe ng mga bus sa mga probinsiya.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, maraming lalawigan sa Visayas at Mindanao ang ayaw pa rin magpapasok ng mga bus na galing Metro Manila.
Tiniyak naman ni Delgra na kanilang sinusuyod ang mga lokal na pamunuan na siyang magdedesisyon sa apela ng Provincial Bus Operators Association of the Philippines na balik-pasada.
Siniguro naman ni Delgra na patuloy ang ginagawa nilang paghahanda sa Integrated Bus Terminals na magsisilbing tagpuan ng mga bus mula Metro Manila at karatig-lugar. (Josephine Patricio)