Advertisers

Advertisers

Mag-utol patay sa sekyu sa Bulacan

0 321

Advertisers

NAHULI na ang security guard na pumatay sa kainuman na magkapatid at ikinasugat ng isa pa sa San Ildefonso, Bulacan.

Kinilala ang nadakip na sekyu na si Romeo De Ocampo, 40 anyos, ng Barangay Calasag; habang ang mga biktima ay kinilalang sina Larry Gabat, 31, farm manager; at Rey Gabat, kapwa ng Barangay Pinaod; at sugatan si Michael Garcia, residente ng Nueva Ecija.

Ayon kay San Ildefonso acting chief of police Lt/Col Carl Omar Fiel, nahuli si De Ocampo 1:00 ng hapon ng Sabado (July 10) malapit sa kanilang bahay.



Sa salaysay ni Garcia, nasa kasagsagan ng inuman nila 9:30 ng gabi nitong Biyernes sa Purok Verde Avenue, Brgy. Mataas na Parang nang magtalo sina Larry at De Ocampo. At biglang namaril ang sekyu na ikinamatay ng magkapatid at ikinasugat ng una.

Mabilis na tumakas si De Ocampo sa lugar, habang isinugod si Garcia sa R. De C Galvez Medical Center.

Nakita sa crime scene ang 19 basyo ng caliber 5.56.