Advertisers
TODAS ang tatlong lalaki na umano’y miembro ng drug group matapos makipagbarilan sa mga operatiba at makuhanan ng nasa P27 million halaga ng shabu sa Pasig City Lunes ng umaga.
Sa ulat na tinanggap ni National Capital Region (NCR) director Police Major GeneralVicente Danao, ang mga napatay ay kinilalang sina alyas Paulo, Richard at Ricsan, umano’y mga notorious na miyembro ng “Kenneth Maclan Drug Syndicate” na nag-ooperate sa NCR, Region-3 at Region-4A.
Dakong 1:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa buy bust operation ng mga awtoridad sa Tranix ROTC Road, Barangay Rosario, Pasig City.
Nakuha sa kotse ng tatlong napatay ang humigit kumulang 4 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P27.2 million at P3 million buybust money.
Ang operasyon ay sanib-puersa ng Pasig City PNP, RID-NCRPO, RSOG, RDEU, PDEA at Eastern Police District.
Ayon sa ulat, aktong nagpapalitan ng droga at pera na tatlong milyon nang bigla umanong mamaril ang mga suspek mula sa isang kotse, dahilan para rumesbak ang mga operatiba sa paligid na ikinasawi ng tatlong miembro ng sindikato ng droga. (Edwin Moreno/Mark Obleada/Gaynor Bonilla)