Advertisers
Arestado ang 2 salarin sa pagpatay kay National Center for Mental Health (NCMH) director Dr. Roland Cortez at driver nito.
Sa ulat, naaresto noong Hunyo 25 sa San Mateo, Rizal ang mastermind na si Clarita Avila, dating chief administrative support service officer ng NCMH, na nakaalitan noon ng biktima.
Noong Hulyo 2 naman boluntaryong sumuko sa pulisya ang sinasabing driver at bodyguard ni Avila na si George Serrano.
Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) director Antonio Yarra, 4 ang talagang salarin pero at-large pa ang dalawa.
Sa imbestigasyon ng QCPD, lumalabas na personal na alitan ni Avila at Cortez ang motibo sa pagpatay noong Hulyo 27, 2020.
Sa report, nakita ang sasakyan ni Avila malapit sa crime scene.
Samantala, bagama’t sumuko si Serrano, itinanggi niyang may kinalaman siya sa krimen.
Hindi rin daw totoong bodyguard at driver siya ni Avila kundi isang janitor at maintenance lang daw siya sa NCMH.
Patuloy naman ang follow-up operation ng mga pulis sa natitirang mga salarin na may warrant of arrest na rin.