Advertisers

Advertisers

Away sa lupa: Mag-ama nagbarilan; anak patay

0 214

Advertisers

PATAY ang isang lalaki nang barilin at pagtatagain ng kanyang ama dahil lamang sa away sa lupang taniman sa bayan ng Janiuay, Iloilo.
Kinilala ang biktima na si Vincent Mamon, 27.
Naka-hospital arrest naman ang ama nitong si Ceasar Mamon, 54, ng Barangay Aglobong, Janiuay.
Sa report, naganap ang insidente nitong Miyerkules, hindi kalayuan sa tahanan ng mag-ama.
Ayon sa report, naglalakad ang mag-ama patungo sa barangay hall para ayusin ang hindi pagkakaunawaan na may kinalaman sa lupa ng matandang Mamon na pinagtamnan ng mga puno ng saging ng anak.
Ngunit hindi pa nakararating sa barangay ay nagkainitan na ang mag-ama habang nasa daan.
Bigla na lamang umanong bumunot ng armas ang batang Mamon at binaril ang ama na tinamaan sa kamay at paa.
Sa kabila ng tama ng matanda, bumunot din siya ng baril at pinaputukan ang anak na tinamaan sa likod.
Nang mapahandusay, nilapitan ng ama ang anak at pinagtataga sa iba’t ibang parte ng katawan.
Namatay noon din ang batang Mamon habang naisugod sa ospital ang ama.(PTF team)