Advertisers
Pinaalalahanan ng Bureau of Immigration (BI) ang lahat ng mga Filipinong nagpaplanong magtungo sa ibang bansa para mamasyal o may kaugnayan sa turismo.
Kasunod ito ng pasiya ng pamahalaan na muling ipatupad ang ban o pagbabawal sa mga non-essential travel ng mga Filipino sa ibang bansa.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, tanging mga mahahalagang biyahe lamang ng mga Filipino patungong ibang bansa ang muling pinapayagan.
Paglilinaw ni Morente kabilang rito ang mga Overseas Filipino Workers, mga may hawak ng student visa permanent residents sa pupuntahang bansa at maging mga dayuhan.
Habang kabilang naman sa maituturing umanong essential travels ang mga biyahe na may kinalaman sa medical, humanitarian,negosyo at trabaho.
Naunang sinabi ni Presidential Harry Roque na nagpasya ang IATF na ibalik ang ban sa mga non-essential travels matapos iisang insurance company lamang ang pumayag na magbigay ng travel at health insurance ukol sa 2019 corona virus disease (COVID-19). (Josephine Batricio)