Advertisers

Advertisers

Malakas lumaklak at mamulutan ginilitan at pinutulan ng mga kamay sa inuman

0 215

Advertisers

NILASLAS ang leeg at pinutulan ng mga kamay ang isang lalaki ng kanyang kainuman sa gitna ng selebrasyon ng pista ng bayan dahil sa lakas umano nitong lumaklak ng alak at mamulutan sa Carigara, Leyte.
Kinilala ang biktima na si Rolando Cariga, 35, ng Brgy. Piloro, Carigara. Tinutugis naman ng pulisya ang salarin na si Dexter Cañeso, 40, ng Brgy. San Isidro, Carigara.
Sa report, naganap ang insidente sa bahay ng anak ng biktima sa nasabing lugar.
Ayon sa ulat, idinaraos ang pista sa nasabing lugar kaya nag-iinuman ang ilang residente.
Kuwento ng asawa ng biktima, nakikipag-inuman ang kanyang mister sa kanilang bahay kasama ang mga kaibigan pero nang maubusan ng alak ay nagtutungo sa bahay ng anak para doon makipag-inuman.
Pagdating ng biktima sa bahay ng anak, naabutan niya si Caneso na nakikipag-inuman at siya’y nakisali. Makalipas ang ilang sandali, biglang nagkaroon ng pagtatalo sina Cariga at Cañeso dahil panay umano ang hirit ng tagay ng biktima bukod sa malakas lumantak ng pulutan.
Habang nagtatalo, hinugot ni Caneso ang sukbit na gulok at nilaslas ang lalamunan ng biktima. Hindi pa nakuntento, pinagtataga nito ang mga kamay nito hanggang sa maputol.
Mabilis na tumakas ang salarin pagkatapos ng pananaga.(PTF team)