Advertisers
NAKATAKAS ang apat na preso sa kulungan nang lagariin ang rehas ng kanilang selda habang malakas ang buhos ng ulan sa Roxas, Zamboanga, Miyerkules ng madaling araw.
Nakilala ang mga tumakas na sina Welly Celino y Catoy, 23, nahahararap sa kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunitions; Robert Quinicar y Quinto, 46, may kasong paglabag sa RA 10591; Wilfredo Antiquino y Espelita, 19, may kasong paglabag sa RA 9165; at Roger Barillo Feras, may kasong Attempted Homicide.
Ayon kay BGen Jesus Cambay Jr., Regional Director, PRO9, 1:30 ng madaling araw nang matuklasan ang pagtakas ng 4 preso sa Roxas Municipal Police Station sa Zamboanga Del Norte.
Sa report, nagawang makalabas ng kulungan ang apat matapos lagariin ang rehas ng kanilang selda gamit ang string ng gitara.
Sinamantala ng mga preso ang pagbuhos ng malakas na ulan kaya’t hindi namalayaan ng naka-duty na mga pulis ang pagpuga ng mga ito.
Nadiskubre ang pagtakas nang mag-ikot ang naka-duty na pulis.
Ipinag-utos na ni Cambay ang paglunsad ng manhunt operation sa mga nakapuga at pagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente.(Mark Obleada)