Advertisers

Advertisers

4 pekeng empleyado ng ospital, kulong

0 262

Advertisers

NAHAHARAP sa kasong ‘usurpation of authority’ ang apat katao na inaresto matapos mabuko na nagpanggap na mga empleyado ng isang ospital para lang makalusot sa quarantine checkpoint sa Baguio City.
Kinilala ang mga inaresto na sina David Albay Rivera, 66, machinist at driver ng van; Nick Narag Sy, 34, machine shop helper; Violeta De Leon Rivera, 69; at Elizabeth De Leon Rivera, 42, pawang residente ng Lourdes Ext., Baguio City at pawang tubong-Pideg, Tubao, La Union.
Sa ulat, habang nagsasagawa ng checkpoint sa Marcos Highway ang mga miyembro ng Baguio City Police Office- Station 10, pinara nila ang isang van na may placard na BGHMC ‘Vehicle Do Not Delay’ at may logo ng Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC) at Department of Health (DOH).
Nang siyasatin ng mga pulis ang naturang van at makipag-coordinate sa management ng BGHMC, natuklasan na hindi authorized vehicle ng naturang hospital ang naharang na van at hindi rin nila mga empleyado ang mga nakasakay dito.
Nasa kustodya ngayon ang van at apat na indibidwal ng Baguio City Police Office-Station 10. (Ace Ramales)