Advertisers

Advertisers

Pulis-Makati timbog sa baril

0 278

Advertisers

ARESTADO ang isang nagpakilalang pulis sa chekcpoint nang makuhanan ito ng hindi lisensyadong baril sa Malabon City, Miyerkules ng gabi.
Ayon kay Malabon Police chief, Col. Jessie Tamayao, bukod sa paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act, nahaharap din ang naarestong si Persius Corrales ng 354 Everlasting St., Brgy. NBBS Proper, Navotas City, sa paglabag sa Article 177 ng Revised Penal Code o Usurpation of Authority.
Sa ulat, sakay si Corrales sa motorsiklo nang parahin ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 6 na nagsasagawa ng checkpoint sa kanto ng C-4 Road at Leoño St. Brgy. Tañong, 9:20 ng gabi.
Habang kinakausap, nagpakilala si Corrales na tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Northern Police District.
Hinanapan ni Lt. Ap Sugui si Corrales ng police identification card ngunit wala itong naipakita, dahilan upang kapkapan ito at nakuha sa huli ang isang cal. 45 Armscor pistol na may magazine at kargado ng limang bala. (Beth Samson)