Advertisers

Advertisers

51 na sugatan at 19 iskul nasira sa Masbate quake

0 235

Advertisers

UMAKYAT na sa 51 ang naitalang sugatan sa Masbate, sa nangyaring magnitude 6.6 lindol sa bayan ng Cataingan, batay sa Office of Civil Defense V.
Sa report ng OCD V, mula ang mga sugatang indibidwal sa Palanas, Pio V Corpuz, at Uson.
Sinabi ng OCD na may kabuuang 61 residence at 19 paaralan ang napinsala sa Masbate.
Samantala, patuloy pa ang isinasagawang evaluation ng Department of Education sa mga pinsala ng lindol.
Sa isinagawang Virtual Press Conference ng DEPED-Bicol, napag-alaman na 19 paaralan sa anim na municipality sa probinsya ng Masbate ang nagtamo ng major at minor damages.
Ayon kay Regional Director Gilbert Sadsad, wala pang hawak ang ahensya ng estimated cost ng pinsala dahil patuloy pa ang pag evaluate sa mga paaralan dito.
Nabatid na dahil sa COVID-19 hindi nagawang makapunta ni Sadsad sa nasabing lugar upang bumisita dahil kailangan parin nitong sumunod sa mandatory quarantine.
Sa ngayon, umaasa nalamang ang ahensya sa online report mula sa schools superintendent ng probinsya. (PTF team)