Advertisers

Advertisers

9 arestado sa illegal mining sa Cavite

0 268

Advertisers

ARESTADO ang siyam katao sa entrapment operation ng mga ahente ng NBI-Environmental Crimes Division (NBI-EnCD) dahil sa illegal mining sa Ternate, Cavite.
Kinilala ang mga naaresto na sina Narviso Dionido, Mary Jane Ilagan, Ryan Rocero, Alvin Cornejo, Jose Remy Lovite, Emmanuel Sace, Robert Aquino, Jobert Anbano, at Roger Salazar.
Ayon sa ulat, naaresto ang mga ito sa entrapment operation na nag-ugat sa kahilingan ng DENR-MGB IV-A na magpatupad ng ‘cease and desist order’ para sa illegal mining na inilabas laban kay Narciso Peji, kungsaan naaresto ang nasabing mga indibidwal sa lugar nang maabutan ng NBI na nag-ooperate ng walang kaukulang permit mula DENR.
Nakumpiska rin sa operasyon ang ilang mining equipments at minerals na umaabot sa P10.1 milyon at P6,500. Ihaharap sa online inquest proceedings sa Office of the Provincial Prosecutor-Imus, Cavite para sa kasong paglabag sa Theft of Minerals ng RA 7942 o Philippine Mining Act of 1995. (Jocelyn Domenden)