Advertisers

Advertisers

Bucks, Lakers Olats Agad

0 302

Advertisers

Kapwa natalo sa Game 1 ng kani-kanilang serye ang Milwaukee Bucks at Los Angeles Lakers.

Top seed sa Eastern Conference ang Bucks habang nanguna naman sa Western Conference ang Lakers.

Pero dahil sa pandemic na dulot ng coronavirus ay walang kuwenta ang high seeding sa playoffs. Walang homecourt advantage para sa mga nasa itaas ng standings.



Yumuko ang Bucks sa No. 8 na Orlando Magic na parang lumalabas na host sa NBA Disney Bubble. Nasa Orlando, Florida kasi ang Disney World kung saan ginaganap ang mga laro.

Taob naman ang Lakers sa in-form Portland Trailblazers na isa sa mga kinakatakutan among playoff teams dahil sa lalim nito at pagiging kumpleto matapos bumalik from injury ang sentro nila na si Jusuf Nurkic.

First quarter pa lang ay may double-double na against the Lakers si Nurkic, neutralizing the supposed advantage dapat sa loob ng Lakers.

Nawalan tuloy ng saysay ang historic performance ni LeBron James sa kanyang playoff debut with the Lakers.

With 23 points, 17 rebounds and 16 assists, Lebron became the first player in NBA history to have at least 20-15-15 in the playoffs.



Gumawa rin ng kasaysayan si Luka Doncic ng Dallas Mavericks sa kanyang playoff debut by scoring 42 points in Game 1 of their series against the Los Angeles Clippers.

Ang 42 points na iyon ang highest output sa playoff debut ng isang player. Sinamahan pa ito ni Doncic ng nine assists at seven rebounds.
Hindi nga lang naging sapat ang ambag ni Doncic dahil kinapos ang Mavericks sa series opener.

Mahaba pa ang giyera sa NBA playoffs at asahan ninyong ibabahagi namin sa inyo ang mga kaganapan sa Disney Bubble.