Advertisers

Advertisers

Sen. Poe kay Duque: Palpak ka sa DoH at PhilHealth

0 246

Advertisers

NAUBOS na ang pasensya ni Senador Grace Poe kay Health Secretary Francisco Duque III kasabay ng pahayag na labis-labis na ang kapalpakan sa pamumuno nito sa Department of Health (DOH) at PhilHealth.
Ipinamukha ni Poe ang mga basehan ng kanyang pahayag ang kaliwa’t kanang katiwalian sa sistemang pangkalusugan ng gobyerno.
“The numbers will show that you have failed miserably as the lead of both PhilHealth and the DOH,” ang ipinunto ni Poe kay Duque sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole ukol sa mga alegasyon ng korupsyon sa pondo ng PhilHealth.
Giit ng senadora, hindi maaaring paniwalaan na hindi alam ni Duque ang korapsyon sa PhilHealth dahil 11 taon na niya itong pinamumunuan.
Inihalimbawa pa ni Poe sa isang may sakit ng kanser ang PhilHealth dahil paulit-ulit o pabalik-balik na lang ang korupsyon sa ahensiya kaya’t nanganganib na itong mabangkarote.
“Ang sakit na nararanasan ngayon ng PhilHealth ay isang cancer na dahil paulit-ulit po itong nangyayari, noon pa. Ang masasabi lamang natin kung merong isang tao na may institutional knowledge ng PhilHealth kung ibabase natin sa haba ng paninilbihan bilang isang pinuno ay kayo po ‘yun,” paliwanag ni Poe.
Binanggit pa ng senador ang isang artikulo kaugnay sa 4,357 administrative cases na naisampa sa PhilHealth noong 2018 ngunit wala kahit isa ang naaksiyunan. (Mylene Alfonso)