Advertisers
TIMBOG ang 67-anyos lola na tulak ng droga at kanyang kasabwat sa buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon City.
Kinilala ang mga naaresto na sina Nilda Lelis, 67; at Jennifer Gullepa, 43, kapwa ng Barangay NBBS, Navotas City.
Ayon sa report, 2:30 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy-bust operation sa Martiniko St., Brgy. Longos laban sa mga suspek.
Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nakabili sa mga suspek ng shabu na nagkakahalaga ng P500.
Nang tanggapin ng mga suspek ang markadong salapi mula sa poseur-buyer ay agad silang dinakma ng mga operatiba.
Sa report, nakuha mga suspek ang aabot sa 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000. (Beth Samson)