Advertisers
TAMANG panahon! Kakambal na yata talaga ni Sachzna Laparan ang tagumpay.
Lahat ng pasukin niyang proyekto ay talaga namang panalo.
Ang latest ay pinasok na rin niya ang pagiging Youtuber.
“Matagal na panahon ko rin na pinag-isipan kung papasukin ko ang Youtube.
” At dumating nga ang panahon. Sa gitma ng Quarantine ay nakapagdesisyon ako,” sey ni Sachzna.
Sa totoo lang apat na taon bago ako nag-decide mag-Youtube. Pinag-isipan kong mabuti.
Tamang project sa tamang panahon. Dahil nga nasa gitna tayo ng quarantine.
May kapalit ang lahat. Sa kanyang paghihintay ay sobrang kapalit ang ibinigay sa kanya.
” So, hindi ko talaga ini-expect na mag- 1 million subscribers po ako in 2 months.
Sobrang saya ng puso ko. Kaya sobrang pasasalamat sa lahat ng sumusuporta sa akin,” dagdag ni Sachzna
At dahil sa kanyang nakamit na sobrang biyaya mula kay Lord ay ibinalik niya iyon sa mga taong dapat tulungan.
Nagpamigay siya sa mga taong deserving na tulungan.
Kamakailan lang ay umikot ang team ni Sachzna kasama ang kanyang pamilya para ipamahagi ang kanyang nakayanan para magbigay ng ayuda.
May FRONTROW products, 10 bisikleta at Multi-M Food Products.
Likas na matulungin si Sachzna dahil alam niyang sa panahon ngayon ng pandemya ay mas dapat na mahalagang makatulong sa kapwa.
Kung ipinanganak kang kakambal ang suerte at mabiyaya, bakit hindi, di ba?
Sana marami pang Sachzna na marunong mag-share ng blessings. (Fernan DC de Guzman)