Advertisers
ARESTADO ang dalawang tulak sa buy bust operation ng mga tauhan ng PDEA-3 at Calabarzon sa kahabaan ng Mc Arthur High way sakop ng Barangay Dolores, Mabalacat, Pampanga.
Kinilala ang mga nadakip na sina Rafael Millo, 22, ng Caloocan city; at Romela Gerardo, 45, ng Navotas City.
Sa report, dumayo pa ang mga suspek para magbenta ng shabu nitong gabi ng Agosto 18. Nakuha sa kanilang posisyon ang isang plastic bag na naglalaman ng 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3,400,000 at buy bust money.
Detenido ang dalawa sa Mabalacat City Jail. (Thony Arcenal)