Advertisers

Advertisers

Malanding misis pinatay si mister, sumuko; kabit wanted parin

0 258

Advertisers

KULONG ang isang misis na pumaslang sa kanyang mister at isuko ang sarili sa mga elemento ng Datu Odin Sinsuat Police.
Kinilala ang misis na si Jameer Ikay.
Sa salaysay ni Ikay, nakilala niya ang kalaguyo na si Pogi Ali o alyas Pogi nitong nakaraang buwan. Mabilis na nahulog ang loob niya rito. Nagawa rin niyang makipagkita kay Pogi ng ilang beses.
Aminado rin ito na napagplanuhan nilang magsama na ni Pogi kung kaya’t noong umaga ng Agosto 14 ay niyaya niya ang kanyang mister na magtungo sa Barangay Amoblodto sa Datu Odin Sinsuat. Mismong si Pogi pa aniya ang sumundo sa kanila sa highway gamit ang motorsiklo. Ngunit habang nasa liblib na bahagi sila ng barangay ay bigla silang pumara at ‘di nya akalain na bigla lamang binaril ni Pogi sa ulo ang mister niya.
Sa sobrang takot, agad siyang nagpahatid kay Pogi sa highway at dirediretsong umuwi sa kanyang bahay sa Tambunan at inakap ang 2 anak.
At dahil sa konsensya, sumuko ang misis sa mga Pulis noong Linggo.
Mariin namang itinanggi ni Ikay na pinahirapan pa si Jameer bago pinatay at itinanggi rin niya ang kumakalat na balita na nakipagtalik pa ito sa harap mismo ng biktima.
Patuloy pang pinaghahanap si Pogi habang inihahanda na ang kaso laban sa ginang.(Ace Ramales)