Advertisers

Advertisers

Grade 7 student pininger ng construction worker

0 280

Advertisers

KULONG ang isang construction worker nang lamasin ang dibdib at pingerin nito ang 13-anyos na babae sa bayan ng Paombong, Bulacan.
Kinilala ang suspek na si Bernabe Bautista, binata, tubong Ilagan, Isabela at residente ng Barangay Isidro 1.
Itinago naman sa pangalang “Cheche” ang biktimang Grade 7 student ng naturang lugar.
Sa ulat, nangyari ang insidente 11:00 ng gabi nitong Lunes sa Sitio Looban, Brgy.San Isidro 1.
Ayon sa report, pinasok ng suspek ang kuwarto ng dalagita at nilamas ang hinaharap nito at ipinasok pa ang kanyang daliri sa pagkababae.
Hindi na natiis ni Cheche ang ginagawang pambababoy sa kanya ng suspek kaya nagsumbong na ito sa kanyang ina at humingi sila ng tulong sa mga barangay tanod para maaresto ang manyakis.
Napag-alaman na siyam na taon pa lamang ang biktima nang umpisahang abusuhin ng suspek.
Inihahanda na ang kaso laban kay Bautista. (James de Jesus)