Advertisers
Ni BKC
DAHIL matunog ang tsikang posibleng tumakbong pangulo ng bansa si Sen. Ping Lacson sa 2022, may ilang tagasuporta niya ang nag-uudyok na isapelikula ulit ang kanyang buhay.
Dalawa nga raw sa pinagpipilian ay sina Coco Martin at Dingdong Dantes.
Matatandaan na noong 2000 ay isinapelikula na ang buhay ng senador sa Sen. Ping: Super Cop na pinagbidahan ng namayapang aktor na si Rudy Fernandez.
Taong 2013 naman nang gawin ang 10000 Hours na pinagbidahan ni Robin Padilla na hango rin umano sa buhay ni Sen. Lacson.
“It’s fictional but inspired by that chapter in my life story when I was in hiding. I had a say in the choice of director and lead actor. Also, I collaborated with the director, Ms. Joyce Bernal.”
Kaya nga ang tanong ngayon ay kung sino kina Coco at Dingdong ang pipiliin ni Sen. Ping na gumanap sa lifestory niya o kung may iba pa siyang aktor na nais gumanap. Yan ang aabangan natin.