Advertisers

Advertisers

NBA: Magic pinahiya ang Bucks sa Game 1

0 259

Advertisers

PINAHIYA ng Orlando Magic ang top-seed Milwaukee Bucks para maangkin ang unang wagi 122-110, sa Game 1 sa playoffs ng Best of seven Eastern Conference sa Lake Buena Vista, Florida kahapon.
Pinangunahan ni Nikola Vucevic ang opensiba ng Magic sa kinamadang 35 points at 13 rebounds, habang si Terrence Ross bumakas ng 18 points, Markelle Fultz nag-ambag ng 12.
Nasayang naman ang nagawang 31 points, 17 rebounds at pitong assists para sa Bucks ng NBA MVP na si Giannis Antetokounmpo.
Matagumpay na naselyuhan ng Magic ang mga kilos ni Giannis gamit ang matinding depensa para biguin ito sa huling 11 minuto na wala ni isang puntos.
Ito ang unang laro ng Greek freak ngayong linggo matapos masuspinde sa final seeding game.
Hawak pa ng Bucks ang kalamangan hanggang nakahabol ang No. 8 na Magic sa pagpasok ng second half.
Ang Game 2 ay magaganap sa Biyernes.