Advertisers

Advertisers

Respetuhin ang batas; at mga buwaya sa PhilHealth

0 214

Advertisers

BAGAMA’T may legal remedies, pinayuhan ng More Electric and Power Corp (More Power) ang Panay Electric Company (PECO) na respetuhin at sundin ang itinakda ng batas sa harap narin ng patuloy na legal battle sa pagitan ng dalawang power firm at nakatakdang pagpapalabas ng desisyon ng Supreme Court (SC) sa legalidad ng inihaing expropriation case.

Kinastigo ni More Power President and CEO Roel Castro sa ipinalalabas ng kampo ng PECO na may bias ang RTC Judges at SC sa More Power kaya pumapabor ang desisyon nito sa kanila.

Giit ni Castro, ang mga desisyon ng korte ay nakaayon sa facts, habang objective at independent ang mga hukom at mahistrado sa pagresolba sa mga kasong hawak nito.



Una nang sinabi ni PECO Legal Counsel Atty Estrela Elam-paro na ang kanilang “main fight” ay talagang sa SC at naniniwala silang idedeklarang ‘unconstitutional’ ng kataas-taasang hukuman ang ginawang pag-takeover ng More Power sa assets ng PECO, habang si Abang Lingkod Partylisr Rep Joseph Stephen Paduano ay umapela kay Pangulong Rodrigo Duterte na pumagitna na sa usapin ng dalawang kumpanya dahil narin sa palagay nitong bias ang korte sa bagong distribution utility.

Ipinaliwanag ni SC Spokesman Brian Hosaka na walang basehan ang akusasyon ng pagiging bias ng SC. Aniya, ang SC ay binubuo ng 15 mahistrado at ang desisyon nito ay nakabase sa majority vote at laging nakaangkla sa facts, applicable laws at current jurisprudence.

Disyembre 11, 2018 nang bigyan ng 25 taon legislative franchise ng Kongreso ang More Power na maging solong distribution utility sa Iloilo City kapalit ng PECO. Pebrero 14, 2019 nang isabatas ito ni Pangulong Duterte nang lagdaan ang Republic Act 11212.

Sa desisyon ni Ilolilo Regional Trial Court Branch 23 Emerald Requina-Contreras, sinabi nito na nang mag-expire ang prangkisa ng PECO noong Enero 19, 2019 ay wala na itong legal ground para kuwestiyunin ang batas. Kasunud nito ay iniutos na ng korte ang ‘writ of posession’ para ilipat ang distribution system assset ng PECO sa More Power hindi bilang pagbibigay pabor sa bagong franchisee kundi para matiyak na hindi mapuputol ang pagbibigay serbisyo sa mga consumer.

Ang nasabing usapin ay nakatakdang desisyunan ng SC.



Samantala, umabot na sa 70,000 reklamo mula sa consumers ang natanggap ng More Power sa loob ng 5 buwan na pag-o-operate nito. Sinabi ni Castro na ang natatanggap nilang dami ng reklamo ay pagpapakita ng tunay na estado ng power system sa Iloilo City nang kanila itong datnan.

Sa dami ng problema noon sa ilalim ng PECO ay isinara nito sa publiko ang kanilang hotlines gayundin ang consumer complaints. Kaya nang mag-takeover ang More Power ay ginawang 24/7 ang hotline, aktibo sa social media at mayroong face to face complaints desk.

Kung ikukumpara ang pagtugon ng More Power sa problema sa power service sa lalawigan ay hindi ito maihahambing sa PECO. Dahil ang huli ay nagsara ng kanilang pintuan sa mismong kanilang mga power consumer. Mismo!

***

GRABE pala ang kawalanghiyaan pinaggagawa ng mga opisyal ng PhilHealth. Talagang halos sairin nila ang pondo ng ahensiya na nabubuhay sa kontribusyon ng 82 million members at P71 bilyong subsidy (taxpayers money) ng gobierno.

Ito ang nabunyag sa ikatlong pagdinig ng Senado sa PhilHealth anomaly nitong Martes. Mantakin mo pati sa eleksiyon ay ginamit ni Health Sec. Francisco Duque ang PhilHealth sa pandaraya, pagbubunyag ni Regional Vice President sa Davao City na si Dennis Adre. Aniya, noong 2004 election ay namigay ng 5 mil-yong PhilHealth cards si Duque para mabura ang 5 milyong lamang sa survey ni FPJ laban kay GMA.

Hanggang ngayon ay ‘di pa raw nababayaran ang bilyong pisong katumbas ng 5 milyong PhilHealth cards na yun.

Si Duque ay bata ni GMA na siyang tumulong kay Duterte noong 2016. Alam na!