Advertisers
DADALHIN ang labi ni dating Mayor Alfredo S. Lim sa Manila City Hall, Huwebes, August 20.
Ito ang kinumpirna ng anak na babae ni Lim na si Christy Lim-Raymundo na nagsabing mula ala-1 hanggang alas-5 ng hapon mananatili ang labi kanyang ama sa City Hall.
Ilalagak ang urna ni Lim sa Bulwagang Antonio Villegas kung saan ang mga tagasuporta nito ay maaring makapagbigay ng kanilang huling respeto buong araw ng Biyernes.
Mahigpit na ipatutupad ang mandatory wearing of face masks, face shields at social distancing sa mga dadalaw at sisilip sa labi ng dating alkalde.
Mula sa City Hall ang labi ni Lim ay dadalhin sa Arlington Memorial Chapels, Araneta Avenue, Quezon City kung saan ito ibuburol bago tuluyang ilibing kung saan iaanunsyo ang petsa.
Si Lim, ay nagsilbing mayor sa loob ng apat na termino at yumao sa edad na 90. (Andi Garcia)