Advertisers
AYAW magpaapekto ni Sheree sa matinding dulot ng pandemic, dahil sa Covid19.
Kaya naman patuloy niyang pinagyayaman ang anumang angking talento na mayroon siya.
Recently ay isa siya sa guests ng TV5’s newest game show nina Paolo Ballesteros at Wally Bayola, titled Bawal Na Game Show.
Kasama niya rito sina Andrea del Rosario, Gwen Garci, at Zara Lopez.
Ipinahayag ng aktres na nami-miss na niya talaga ang nagtatrabaho o nagte-taping siya. Sambit niya, “Yes, super nami-miss ko na po ang magtrabaho sa harap ng kamera.”
Dagdag pa ni Sheree, “Simula po kasi ng lockdown, wala pa pong work sa showbiz kaya inilaan ko ang free time ko to learn new things and i-develop pa yung talents and skills ko. “Dahil alam kong one day, magagamit ko rin lahat ang mga natutunan ko nitong quarantine.”
Sa ngayon ay mas nakatutok si Sheree sa pagiging painter. Aminadong second career na niya ito, after showbiz, “Yes po, matagal ko na po kinareer ito, ngayon lang lumabas. Nakapag-exhibit na po ako sa iba-ibang bansa.
“Siguro naka-ten na exhibits na ako, here and sa ibang bansa po. Iyong sa abroad solo and yung dito, kasama mga ibang artist and mentor ko from UP na sobrang galing talaga, si Art dela Cruz.”
Saan siya kumukuha ng inspirations sa pagpipinta?
“Eversince I was a little girl, hobby ko na ang sketching. I would copy photos of Disney characters in particular. I decided to take it seriously and professionally when I saw the video of Bob Ross. It inspired me a lot.”
Ayon pa sa dating member ng Viva Hot Babe, ngayong may Covid19 ay malaking tulong ang paintings niya financially.
“Malaki po ang naitulong ng mga painting ko mentally and emotionally and kahit paano sa awa ni Lord mayroon naman po. Nakaka-help na rin sa akin and sa mga close na tao, na walang work talaga for now. Not much, pero at least mayroon.”
Bukod sa pagiging aktres at painter, si Sheree ay isa ring songwriter, DJ, at pole dancer.
“Yes po, singing, writing songs, arranging music, pole dancing. Mayroon po kaming ginawang song ng kapatid kong nurse sa US, may studio rin po siya sa US, kaya ‘pag nandoon ako ay yun ang bonding namin, nagsusulat kami ng songs.
“May nagawa kami nitong pandemic na ilalabas namin soon, also with my friends na si RJ and John Apura. Nag-aaral din ako ng music production sa favorite kong producer, kay Marcus Davis.”
Ano ang pinaka-love niyang ginagawa sa lahat?
Wika ni Sheree, “Lahat po, basta art… parang yung heart ko talaga nasa entertainment and art and ‘pag ginagawa ko sila, inilalagay ko talaga ang buong puso ko.
“Kung lalagyan ng rating, parang pareho po lahat, love ko lahat yun. Sabi nga ni JLo sa interview niya-tinatanong siya bakit ang dami niyang ginagawa, sobra akong naka-relate sa sagot niya.
“So, why not kung kaya mong gawin lahat, ‘di ba? It’s a matter of time management lang at kaya ko naman silang gawin lahat,” esplika pa ni Sheree. (Nonie V. Nicasio)