Advertisers
KUNG ‘yung ibang mga artista ay aminadong nahihirapan na sa mga gastusin sa pang-araw-araw na pangangailangan at sa mga bayarin sa mga bills dahil walang trabahong pumapasok sanhi ng COVID 19 pandemic, sa kaso ni Ken Chan, making bagay raw na may sapat siyang ipon.
Kaya hindi raw siya gaanong nahirapan o apektado, kahit hindi gaanong karami ang trabahong pumapasok.
“Awa po ng Diyos, bago po dumating ‘yung pandemic, may mga proyekto po akong nagawa.At ako po kasi, matipid po kasi ako talaga na tao, e. Hindi po ako mahilig sa mga bili-bili, sa mga gadgets. Hindi ko po hilig ‘yan. So, awa ng Diyos, kahit papa’no nakapag-save po ako ng money for myself, for my whole family,” sabi ni Ken sa interview.
Napagtanto raw ni Ken ang kahalagahan ng pag-iipon.
“Dito ko rin po na-realize na after this pandemic, na kapag matapos po lahat, dito po talaga masusubok na kailangan mo talaga ng matinding ipon. Kasi, naniniwala ako… na huwag naman sana, pero mangyayari’t mangyayari ‘to ulit. So, kailangan talaga, malaking malaking lesson to sa lahat.”
Saka malaki ang pasasalamat ni Ken sa yumao niyang manager na si German Moreno dahil ito raw ang nagturo sa kanyang magtipid.
“Ito po yung natutunan ko kay Tatay (tawag niya kay kuya Germs). Lagi niyang sinasabi sa akin na, ‘Mag-ipon ka. Kung kikita ka ng sampung piso, kailangan mong gastusin lang yung dalawang piso. Yung walong piso, itago mo. At ginawa ko po yun at nakatulong po sa akin yun,” anya pa.
***
IIWANAN na pala ni Bianca King ang showbiz. Sa kanyang Instagram account, pinost niya na maninirahan na lang siya sa Australia at doon maghahanap ng bagong career.
Walang ibinigay na dahilan ang aktres kung bakit bigla aiyang nagdesisyon na talikuran ang showbusiness. (Rommel Placente)