Advertisers
Balik sa General Community Quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR) simula ngayong araw, Agosto 19 hanggang Agosto 31.
Sa kanyang public address, Lunes ng gabi (Agosto 17), inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilalagay muli sa GCQ ang NCR kasama ang Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.
Nauna rito ay inilagay sa GCQ ang Nueva Ecija, Batangas, Quezon Province, Iloilo City, Cebu City, Lapu- Lapu City, Mandaue City, Talisay City, Munisipalidad ng Minglanilla at Consolacion sa Cebu Province sa Visayas.
Habang ang nalalabing bahagi ng bansa at inilagay sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Muling nanawagan si Pangulong Duterte sa mga Pilipino na pag-ibayuhin ang pag-iingat at sumunod sa lahat ng ipinapairal na mga health protocols para mapigil ang pagkalat ng COVID-19.
Samantala, sinabi naman ni Presidential spokesman Harry Roque na malaking tulong ang nagdaang ipinatupad na MECQ sa ilang lugar para pagplanuhan ng gobyerno ang COVID-19 response nito. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)