Advertisers
AYON kay Joshua Garcia, marami siyang natutunan simula nang magkaroon ng lockdown o community quarantine sa buong bansa.
Aniya, bago pa man isailalim ang Metro Manila at karatig-lalawigan sa enhanced community quarantine noong Marso, madalas na nauubos ang oras niya sa paglalaro ng computer games.
Aminado rin siyang naadik siya sa paglalaro ng Apex Legends simula pa noong nakaraang taon.
Hirit pa niya, marami rin daw siyang na-realize sa panahon ng kanyang homestay.
“Ang dami kong sinayang na oras nung mga panahong ang addict ko sa computer. Hindi ko alam kung ano pa yung mga kaya kong gawin, pero natuto ako na magbasa basa ng mga libro. More on para sa sarili, self-love.
“Ang dami kong na-realize na mga sinayang ko na araw nung mga panahon na puwede pa ako lumabas. Na parang hindi ko na magawa ngayon na nasa bahay lang. Sabi ko pag nagkaroon ako ng chance na makalabas, talagang susulitin ko yung araw,” aniya.
Dahil naokupa raw ng paglalaro ng computer games ang oras niya noon, nangako naman ang actor na babawi sa kanyang mga kaibigan kapag nagluwag na ang buong bansa pagdating sa ipinatutupad na alintunin sa physical distancing at health protocols.
“Minessage ko nga yung mga ibang kaibigan ko. Nag-sorry ako dahil parang hindi ako nakapagbigay ng oras sa kanila, mga ganun. Parang ang dami mong mari-realize, hindi lang ako, tayong lahat ang dami nating na-realize dahil sa nangyari,” paliwanag niya.
Si Joshua ay muling mapapanood sa Love Lockdown na.balik-tambalan sila ng kanyang ex at love team partner na si Julia Barretto sa twinbill drama na episode na pinamagatang “E-numan.”
Paliwanag pa niya, treat daw nila ito sa Joshlia fans na labis na na-miss ang muling pagsasama nila ni Julia sa isang proyekto.
Sa ngayon, after na mag-unfollow sa isa’t isa, muli na namang fina-follow nina Joshua at Julia ang bawat isa. (Archie Liao