Advertisers

Advertisers

Masbate niyanig ng intensity 6.5 lindol; Ret. police Col. patay

0 214

Advertisers

ISA na ang kumpirmadong patay sa magnitude 6.5 na lindol na yumanig sa bayan ng Cataingan sa Masbate nitong Martes ng umaga.
Kinumpirma ng Bicol Police ang pagkakasawi ni Giliber Sauro, retiradong pulis Kernel nang gumuho ang bahagi ng bahay nito sa Sitio Alimango, Barangay Concepcion.
Naramdaman ang intensity 7 na lakas ng lindol sa Cataingan, kungsaan ayon sa kategorya ng Phivolcs “destructive” ito.
Naitala rin ang epicenter ng pagyanig sa layong pitong kilometro Timog-Silangan ng Cataingan.
Sa Earthquake Information Number 1 mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), natukoy na ang naturang lindol ay may lalim na 1 kilometer at tectonic ang origin.
Ayon kay Isaias Bigol, Jr. ng Masbate City Disaster Risk Reduction Management Office, napinsala ang palengke sa bayan at marami rin ang sugatan.
Samantala, patuloy na nakakaranas ng malalakas na aftershocks ang mga lugar sa Visayas at Bicol.
Pinawi naman ni Phivolcs Dir. Renato Solidum ang pangamba ng tsunami dahil sa lupa naman tumama ang epicenter ng lindol.