Advertisers

Advertisers

Collection rate ng PhilHealth mula sa mga OFWs, bumagsak

0 238

Advertisers

Napagtuunan ng pansin ni Marikina Rep. Stella Quimbo ang mababang collection rate ng PhilHealth sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Sa patuloy ng joint commitee hearing ng Kamara sa mga katiwalian sa PhilHealth, inihayag ni Quimbo na umabot lamang sa 320,000 ang active members mula sa 3 milyon OFWs members sa database ng naturang ahensiya ng gobyerno.
Anya malaki ang ibinaba nito sa 767,000 active members na naitala noong 2010.
Saad pa ni Quimbo, batay sa 2019 report ng PhilHealth, nakakolekta lamang ang state health insurer mula sa OFWs ng P1.02 bilyon ngunit ang claims ay pumalo sa P1.7 bilyon.
Ayon kay PhilHealth Overseas Filipino Program Senior Manager Chona Yap noong 2015 nang umpisang bumaba ang bilang ng mga active members nilang OFWs.
Ayon pa kay Yap ito’y matapos alisin ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mandatory na pagbayad ng mga OFWs ng PhilHealth premiums bago makakuha ng Overseas Employment Certificate (OEC) para makapagtrabaho sa labas ng bansa.
Aminado si Yap na patuloy ang negosasyon ng PhilHealth sa POEA para muling ibalik ang polisyang ito na sinang-ayunan naman ng Department of Justice (DOJ).
Tiwala si Yap na makatulong para tumaas ang PhilHealth collection rate mula sa mga kababayan nating nagtatrabaho abroad kung magkaroon ng kinatawan abroad ang naturang ahensiya. (Josephine Patricio)