Advertisers
SAMAHAN si Susan Enriquez ngayong Miyerkules (August 19) sa isa na namang episode ng Pera Paraan sa GMA News TV.
Ngayong pandemic, limitado ang galaw ng mga tao. Bawal lumabas, bawal din ang mass gathering. In short, bawal ang party!
Paano na magiging memorable ang mga family occasion? May sagot daw si Manilyn dyan, ang ‘surprise in a car’. Si Imma naman ng Cebu City, ‘party in a box’ ang naisip na nasa loob ng box ang lahat ng kailangan mo para sa party.
Hand gloves, face mask, at single-use plastic—ilan lang ito sa mga solid waste na kinakaharap ng buong mundo sa paglaban sa sakit na COVID-19. Pero ang mga simpleng eco-friendly solution, puwede palang pagkakitaan at maging pocket-friendly?
Nitong July, nag-trending ang isang café sa Pila, Laguna dahil sa kakaibang lalagyan ng kanilang pizza—ang tampipi. Pero ang problema, hindi raw kayang suplayan ng marami ng pamilya ni Henry ang restaurant, kaya naman to the rescue ang Pera Paraan upang maghanap ng iba pang supplier nito.
Nagsimula sa ECQ hanggang naging GCQ, at naging MECQ o Modified Enchanced Community Quarantine. Sa lahat ng quarantine levels na ito, may mga kababayan tayong wala pa ring tigil sa pagtatrabaho: kilala natin sila bilang “frontliners.”
Pero bakit nga ba kailangan pa rin nilang rumaket sa gitna ng kangaragan nila sa kanilang mga trabaho?
Huwag palampasin ang Pera Paraan kasama si Susan Enriquez, Miyerkules, 8:30 p.m. sa New Normal: The Survival Guide sa GMA News TV. (Showbizteam)