Advertisers

Advertisers

‘Hustisya’ sigaw ng mga kaanak at supporters ni ‘Mayor’ Afable

0 282

Advertisers

SUMISIGAW ng hustisya ang mga kaanak at mga taga-suporta ng dating kumandidatong mayor sa siyudad ng Meycauayan noong 2019 na pinagbabaril ng riding in tandem sa Barangay Banga, Lunes ng tanghali.
Una nang kinilala ni P/Lt.Col. Bernardo Pagaduan, hepe ng pulisya, ang biktima na si Ryan Afable Cayanan, 45, may asawa, Business Planning Director ng Tukai Wild Honey bee, negosyante, at residente sa nabangit na lugar.
Sa ulat, 12:30 ng tanghali nitong Lunes, Agosto 17, nang tambangan si Cayanan habang sakay ng scooter motocycle na may plakang SN-4992 ng dalawang hindi nakilalang salarin. Armado ng cal.40 ang bumaril sa biktima na nagtamo ng tatlong tama ng bala.
Naisugod pa sa isang pagamutan si Cayanan, subali’t binawian din ng buhay makalipas ang higit dalawang oras.
Samantala, sinusuri na ng mga awtoridad ang lahat ng CCTV footages sa mga lugar na pwedeng daanan ng mga salarin, upang matukoy kung sino at ano ang motibo ng pagpatay.
Ayon naman sa mga residente ng siyudad, mabait, maka-Diyos, matulungin at sportsminded si Cayanan, at katunayan nagsasagawa pa ito ng humanitarian na tumutulong ngayong panahon ng pandemya tulad ng pagbibigay ng ayuda kahit sa maliit na paraan.
Dagdag pa ng mga ito, wala silang alam na nakaalitan si Cayanan. (Thony D. Arcenal)